|
||||
69. Nagkataong siyang pagdating sa gubat Ng isang gererong bayani ang tikas Putong na turbante ay kalingas-lingas, Pananamit Moro sa Persyang siyudad. 70. Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, Anaki�y ninitang pagpapahingahan, Di kaginsa-ginsa�y ipinagtapunan Ang pika�t adarga�t nagdaop ng kamay. 71. Saka tumingala�t mata�y itinirik Sa bubong ng kahoy na takip sa langit, Estatuwa manding nakatayo�t umid Ang buntong-hininga niya�y walang patid. 72. Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo, Sa puno ng isang kahoy ay umupo Nagwikang �O palad� sabay ang pagtulo Sa mata ng luhang anaki�y palaso. 73. Ulo�y ipinatong sa kaliwang kamay At saka tinutop ang noo ng kanan, Anaki�y mayroong ginugunamgunam, Isang mahalagang nalimutang bagay. 74. Malao�y humilig, nagwawalang-bahala, di rin kumakati ang batis ng luha, sa madlang himutok ay kasalamuha ang wikang �Flerida�y tapos na ang tuwa!� 75. Sa balang sandali ay sinasabugan Yaong buong gubat ng maraming ay! Ay! Na nakikitono sa himig mapanglaw Ng panggabing ibong doo�y nagtatahan. 76. Mapamaya-maya�y nagbagong nagulat Tinangnan ang pika�t sampu ng kalasag Nalimbag sa mukha ang bangis ng Puryas �Di ko itutulot,� ang ipinahayag. 77. �At kung kay Flerida�y iba ang umagaw At di ang ama kong dapat na igalang, Hindi ko masabi kung ang pikang tanga�y Bubuga ng libo�t laksang kamatayan. 78. Bababa si Marte mula sa itaas At sa kalalima�y aahon ang Parkas, Buong galit nila ay ibubulalas, Yayakagin niring kamay kong marahas. 79. �Sa kuko ng lilo�y aking aagawin ang kabiyak niring kaluluwang angkin liban na kay ama, ang sinuma�t alin ay di igagalang ng tangang patalim.
Sa gubat ding iyon ay dumating ang isang matikas na gerero. May putong na turbante at may kasuotang moro na buhat pa ng Persiya. Sa lugar na iyon siya itinataboy ng kapalaran. Tumigil sa paglalakad ang moro at naghanap ng punong kahoy na mapagpapahingahan. Umupo siya sa ilalim ng puno at doon nagsimulang magmuni-muni ng kanyang nakaraan. Lumuha ang moro nang sumagi sa isipan ang kasintahang si Flerida. Labis ang kanyang pagdaramdaman sa nagging kataksilan ng sukan na ama dahil inagaw ang pinakamamahal niyang babae sa balat ng lupa. |